Ano nga ba ang iyong batayan sa iyong pagkakakilanlan?
Gaano mo nga ba kalubusang kakilala ang iyong sarili?
Ikaw nga lamang ba ay kung ano ang iyong pangalan? O ang iyong kayayanan o ang iyong pag mamay-ari?
Hindi ba’t tila ito’y hindi sapat?
Hindi ba’t parang may puwang?
Sa bawat pagmulat nang ating mga mata, minsan ba’y dumapo sa ating pag-iisip na tila paulit ulit na lamang ang kaganapan na tila mukhang walang hanggan.
Sa bawat pagmulat ko sa aking mga mata aking winawari ang mga katanongang patuloy na sa akin ay gumagambala.
Sino ba ako?
Sa samu’t saring kaganapang nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay ko hindi ko na alam kung tunay nga ba na ang lahat ng ito ay may patutunguhan.
Patuloy kong tinatanong, ano nga ba ang pakinabang ng lahat nang kaganapan kabilang na ang aking pagka silang.
Hindi ako dalubsa sa mga bagay bagay.
Sa aking pag aakala’y sapat na ang malaman natin na ang buhay ay biyaya ng maykapal na siyang ating dapat pangalagaan.
Buhay—madalas akoang napapa-isip kung ano nga ba at para saan nga ba tayo nabubuhay.
Madalas rin akoang napapaisip kung bakit minsa’y pakiramdam ko’y may puwang na para bang hindi ko ma wari wari kung sino nga ba talaga ako, dahil kombinsido ako na hindi lamang ang aking pangalan o ang aking katayuan ang bumubuo nang aking pagkatao.
Hindi alintala sa akin na mayroong Diyos.
Maaga kong nalaman na siya ang ating manlilikha.
Ngunit nitong nagdaang taon lamang nang aking lubosan maimulat ang aking mga mata sa katotohanan.
Ang Diyos na kilala ko ay hindi ko pa pala lubosang na kikilala.
Lahat ay tila isang palaisipan.
Minsa’y na dadatnan ko ang aking sarili na tuliro sa kawalan.
Sino nga ba ako?
Nahihirapan akong maranasan ang dalisay na kaligayahan sapagkat alam kong may kung anong kulang.
Isang umaga, sa pagmulat ko nang aking mga mata natagpuan ko ang aking sarili na ngumingiti na tila lahat ng katanungang bumabagabag ay na bigyang linaw.
Napawi ang lahat nang puwang na aking nararamdaman.
Ako’y napangiti na aking napagtanto na tunay mo lamang makikilala ang iyong kabuuan kung pipiliin mong kilalanin ang Diyos na siyang nag bigay sayo ng pagkakakilanlan.
Siyang tunay.
Ako ay hindi lamang kung ano ang aking pagkakakilala sa aking sarili o ni pagkakakilala ng iba sa akin.
Ako ay kung sino at ano ang tingin ng Diyos sa akin.
Ako ay mahalaga at karapat dapat.
Tayo ay anak at likha ng ating manlilikha.
Ang ating pagkakakilanlan ay naka batay sa tayog nang ating pananampalataya.
At ang tunay na kahulogan ng buhay ay ang mabuhay para sa bumuhay sa atin.
Connect with us!
We are offering online lifegroup sign up here:
Comments